Tuesday, November 15, 2016

THE UNVERY EASY ESSAY PRESENTS: Filipino, Ang Wika ng Karunungan


FILIPINO, ANG WIKA NG KARUNUNGAN

          Ano ba ang wika? Ano ba ang karunungan? Totoo ba na ang wikang Filipino ay ang wika ng karunugan? Tatalakayin na muna natin ang mga bawat salita sa king pamagat, Isa mga tanong na dapat natin gamit ang mga nakuha kong mga impormasyon o datus sa aking pananaliksik. Bigyan na muna natin ng pansin kung bakit ang tema ngayon ay “Filipino: Wika ng Karunugnan” at kailangan muna natin bigyan ng mga kahulugan ang mga salita sa pamagat o tema sa gayundin para malaman natin kung anu ang kahulugan ng tema.

Kada buwan ng Agosto ng bawat taong-akademiko katulad ng mga paaralan pati rin ang mga ibang ahensya ng pamahalaan ay ipinagdiriwan ang “Buwan ng Wika” ay isa sa mga pinaka-aabangang kaganapan sa lahat ng mga paaralan, mapa-elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo. Ito ay tinatag ng dating pangulo na si Fidel V. Ramos base sa Kautusan Blg. 1014 na ang Agosto ay Buwan ng Wika dahil ito ang buwan na kung saan namatay ang Ama ng Wika na si Manuel Louis Molina Quezon sa Ika-1 ng Agosto taong 1944 ang kanyang kamatayan.  Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.” Gaya ng nabanggit na dati, ipinagdiriwang ng mga paaralan sa buong bansa ng Pilipinas ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain gaya ng sabayang pagbigkas, dula-dulaan, sayaw-awit o sayawit, pagsulat ng sanaysay, at iba pa. Na kung saan binigbigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na pagyabungin ang wikang Filipino.

Simula natin sa wika. Ayon sa Wikipedia, “Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. “Ayon kay Dr. Arnel Reñon, isang guro sa assignaturang Filipino. “Mayroong apat-na-daan na mga wika sa Pilipinas. “Ito ang nagbibigkis sa mga tao para magka-isa at magkasundo-sundo. ito ang nagsisilbing nagbubuklod ng mga tao para maging isang lipunan. Sunod naman ang salitang karunungan. Merong dalawang magkaibang kahulugan ang salitang katarunugan. Ayon sa Current Events Digest Inc for Grade 7 Edition isang aklat sa Filipino sa ika-pitong baitang, Sunod naman na salita ay “Karunungan”, Ayon sa WikiFilipino, isang website. “Ang karunungan o dunong, sa larangan ng pananampalataya, ay ang pagkaunawang nanggaling sa Diyos. Isa itong marunong o matalinong pag-iisip o kaisipan; o ang pang-unawa sa tama at mali, at pagkakaroon ng matinong pag-iisip o pinag-aralan. May kaugnayan ito sa sentido kumon, talino, erudisyon, attining ng pag-iisip.” ibig sabihin ito ay isang pagiging matalino o wise sa Ingles. Ito ay ang pagkakaroon ng karanasan, kaalaman, at matalinong paghuhusga. Nalaman na natin kung ano ang kahulugan ng mga salita sa ating pamagat.

          Ang kahulugan ng tema ay ang wika ay ang karunungan. Ito ang nagbibigay ng talino sa mga taong marunong gumamit ng wika niya. Ang wikang Filipino ay ang ugat ng ating karunungan at ito rin ay ang saligan, pundasyon, o batayan ay base sa ating wika. Ang wikang Filipino ay ang pundasyon ng karunungan ng bawat Pilipino. Ang pagtangkilik sa sariling wika, ang bunga ay matalino at maunlad na bansa. Ang karunungan ay ang sumisimbolo ng karunungan ibig sabihin kung matalino ka at madiskarte ang mga Pilipino at alam ang tama at mali ibig sabihin magiging maganda ang samahan ng mga bawat Pilipino sa isang lipunan. Mas magiging madiskarte sa buhay, palaging gumamit ng wikang Filipino na nagbibigkis sa mga bawat idibidwal tungo sa magandang institution ng bansa. Ito ang susi sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.  Ang pagkatututo ng mga wika ay nagkakaroon ng talino sapagkat ang wika ay nagpapakita ng kultura, tradisyon, at mga kaisipan. Halimbawa kapag nag-aaral ka ng wikang Filipino makikilala mo ang mga kultura ng Pilipinas.  Ayon sa isang wikang pilosopo an si  Ludwig Wittgenstein “Die Grenzen meiner Sprache bedeuten die Grenzen meiner Welt.” sa Ingles ay “The limits of my language are the limits of my world.”  Ang ibig sabihin nito para sa akin ang isang solusyon para mas mahigit pa sa limitasyon ng isang wika ay ang pagkatututo o ang pag-aaral ng isa pang wika at ito ay ang wikang Filipino. Hindi lamang ang mga wika ng ating sinilangan katulad ng Waray, Bikol, o Sebwanong ika kundi ang ating pambansang wikang Filipino. Ang pagkatuto ng isa pang wika ay nagkakaroon tayo ng kaalaman sa iba pang wika hindi lamang sa mga salita nito o ibig sabihin nito kundi ang mga napaplibot ng wika, ang kultura, tradisyon, at kaugalian ng mga taong sinilingan nito. Ang pagkatuto ng isa pang wika ay magbibigay sa atin ng bagong kalinawan ng buhay.

Ang aking konklusyon sa aking sanaysay. Filipino ay ang wika ng karunungan. Ang wika ay ang ugat o pinagmulan ng karunungan. Mas magiging matalino tayo at makakakuha ng mga kaalaman habang natututo tayo ng wikang Filipino. Hindi lamang ang wikang kinabihasan natin kundi ang ating wikang pambansa ang Wikang Filipino.  Ang pag-aral ng wikang Filipino ay nagkakaroon tayo ng background ang wikang iyon. Nakakakuha tayo ng kaalaman tungkol sa kultura ng ating bansa.



MGA SANGGUNIAN:
http://www.filipinoscribe.com/2016/06/21/buwan-ng-wika-2016-tema-filipino-wika-ng-karunungan
http://www.languageonthemove.com/on-learning-languages-and-the-gaining-of-wisdom/
http://www.lingholic.com/top-ten-best-proverbs-language-learning/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Karunungan
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika

No comments:

Post a Comment